Home Page

A is for Anj

Daydream Illusion

Sentihan

Freefall

Tales

Randomness

Makiling Dayz

Pulang Lobo

Surreality

A Glimpse of Surreality

Just because you don't see it at first doesn't mean it isn't there...

Kaibigan Mula sa Malayo
Sakali mang ika'y bulagin ng dilim
Ipipinta ko ang buwan na ipinagkait sa iyo ng gabi.
Iguguhit ko ang langit na may silahis ng liwanag.
Huwag kang matakot.
Ang kalawakan ay didiligan ko ng mga bituin
Ng mga munting mata ng sangkalangitan
Na nagmamasid, gumagabay...
Hinahangaan ang iyong taglay na kagandahan.
Sasayaw ako kasabay ng hangin
Na dumadampi sa iyong mukha.
Pankinggan mo lamang nang mabuti...
Maririnig mo ang tinig ko na nagsasabing,
"Narito ako, ang magmamahal mong kaibigan
Mula sa malayo."
Nieve
Let the moon shower the sky
With winter blue.
Let each diamond droplet
Replenish a fragment of our lost memories.
Mark me as a reckless man,
I don't care!
If to remember you is to bleed,
Then, let me die!

If I am to be condemned
By the heavens for such a decision,
Then, I'll choose to live.
But as the first dawn of spring resurrects,
Please let the crystalline memories melt Slowly...
Hindi Natin Alam...
Kung nais mong pagmasdan ang aking mga mata
Pagmasdan mo na sila ngayon.
Pagka't bukas ay hindi mo na masisilayan
Ang dati mong pagkakakilala sa akin.
Walang nilalang sa mundo nating ginagalawan
Ang nagkakaroon ng muwang sa hinaharap.
Hindi natin alam...
Maaaring ito na ang huling pagkakataon na maipapahayag ng aking mga mata
Ang mga katagang hindi ko kayang bigkasin...
Ang mga katagang...
MAHAL KITA.
Dadaloy at Lilipas
Apoy!
Tubig!

Malalagas ang mga dahon,
At papatak ang ulan.
Subukin ko man,
Hindi ko pala mapipigilan
Ang paglubog ng araw.
Mauubos ang liwanag na kailanman
Ay di mapapantayan ng buwan
O ng mga alitaptap.
Dahil ang lahat ay nakasalalay sa panahon,
Sa walang kapagurang panahon.
Katunggaling walang kahinaan!
Mapigil ko man ang takbo ng orasan,
Lilipas pa rin ang panahon.
Dadaloy pa rin ang kamandag!

Poot!
Pag-unawa!

Masakit mang tanggapin,
Kaakibat na ng aking diwa
Ang pintig ng katotohanan.
Kapag pinutol mo ang ugat na ang-uugnay,
Kinitil mo na rin ang aking buhay.
Ako ay isang patak
Na bahagi ng isang dambuhalang karagatan.
Naaanod ng karagatan ang patak,
Ngunit kailanman ay di maaanod ng patak ang karagatan.
Anong pait!
Kung gayon, sasabay ako sa daloy.
Sasama ako sa puwersang bubuwag sa mga bato!
Humanda ka, panahon,
Tinatanggap ko ang iyong hamon.
Hindi na ako uurong,
Ngayong nasa labas na ako ng kahon!
Hell-bent
Strands of searing red descend from the black sky.
Boiling blood...
Screams of agony...

I hate the world tonight.
Rage ravages within me,
Scorching my sanity and shredding my soul.

I hate the world tonight!

Hell-bent I am to avenge my lost self.
The world did not listen!
The world did not understand!
I just tried to put its pieces together,
But everything was disrupted.

The world knows not how to thank!

I have a knife...
Whose lustful shimmer allures me.
I can hear its words,
I can feel the thirst that can only be quenched
By a drink in the scarlet rivers of life!

Must I or must I not?

For one to live the other must die!!!
Whichever the chosen...
Requires sacrifice!

The knife or my sanity?
THE KNIFE OR MY SANITY!