Home Page

A is for Anj

Daydream Illusion

Sentihan

Freefall

Tales

Randomness

Makiling Dayz

Pulang Lobo

Surreality

Mga Kuwento

Prelude
This page is divided into two parts, Lobo's stories and mine. Please don't mix our works up. Magkaiba kami ng style. Obvious ba kung sino ang mas sanay sa aling wika? ^_^

Angel's Wings

*Rain*

I am Angela here. Angela, not Anj.

People say How you doin' and I say Good but I don't really mean that, do I.

Because here everyone says Good no matter the occasion, never mind if you can see the rain behind their eyes.

Put the mask on, wear a smile. Take the mask off and you die.

I am Angela Calimon, with an American A-sound and the stress on the first syllable of my last name instead of on the last. I am the International Student, in the dorm room, the Dakilang OP.

The sun shines, but my heart weeps.

Here, no one dances in the hallways, sings aloud to herself for no reason, or laughs out loud.

No one but me.

I am Angela here. Not alone, but lonely.

***

He once said that it is when it rains that he is most reminded of me.

Because it is when the sky kisses the earth, he explained.

When the heavens kiss the earth. How appropriate.

He once called me his angel. He said he could see His Grace in me, and the wings bestowed by heaven.

*Never before have I seen an angel gifted with choices. An angel who doesn't know she's an angel.*

And I didn't. But I belived him with all my heart, how could I not? His eyes held nothing but innocence.

It's raining. Outside, the sky is clear, but inside my being, the rain falls.

The silver rivulet running down my cheek betrays this.

But he also said my tears redeem the sunlight. Buy the blue sky from the oblivion of darkness.

"Anj!" in a distant memory...

My tears fall freely now, buying good times back for both of us.


*Pagdilat*

/Matulin ang takbo ni Lobo. Nadarama ko ang mabilis na pagpintig ng kanyang pulso, ang init ng kanyang hininga. Maliwanag ngayong gabi, ngunit malabo ang kapaligiran sa bilis ng kanyang takbo.

/Saan niya ako dinadala?/

* * *

Tatlong taglamig na ang nakalipas mula noong una ko siyang nakilala. Nagawi siya sa aking hardin isang araw. Noong sinubukan niya akong lapitan, nasugatan siya ng aking mga tinik. Agad kong napansin ang kulay ng kanyang balahibo - pula, kulay rin ng kanyang dugong pumatak sa aking
mga dahon.

Takot pa ako sa kanya noon. Kakaiba ang pag-apoy ng kanyang mga mata...hindi ako sanay sa uri ng galit na bumabalot sa kanyang kaluluwa.

Mula noon ay hindi na siya lumapit sa akin. Marahil dahil ayaw na niyang masugatan muli... marahil iyon na nga. Ngunit lagi siyang bumabalik sa aking hardin para magkuwento tungkol sa mundo sa labas ng aking tahanan. Unti-unti ko siyang nakilala...at unti-unti ring nabawasan ang aking takot.

Hindi ko alam kung kaya kong ipaliwanag, ngunit wari ko'y may ginising siya sa loob ng aking kaluluwa - ang pagnanais na makita ang mga lupain sa labas ng aking mundo, kung saan nabubuhay ang tunay na kalungkutan. Hindi na ako nalulugod kasama ng iba pang mga bulaklak na masayang namumuhay nang walang-muwang.

Napansin kong laging matalas ang tingin ni Lobo sa akin, na para bang sinusuri ako. Tuwing tinatanong ko siya kung bakit, ang lagi niyang sagot ay "Wala," at hindi na siya umiimik pagkatapos.

Ngayong gabi, hinamon ko siya. "Ilabas mo ako sa hardin na ito!" ang hiling ko. "Isama mo ako sa labas; nais ko ring makita ang malawak na mundo sa ibayo ng aking tahanan...kahit sandali lamang!"

Tinitigan lang niya ako. "Bata ka pa," ang sagot niya, "at hindi sapat ang iyong mga tinik upang makayanan mo ang makakaharap mo sa labas. Kapag pinitas kita ngayon, unti-unti kang matutuyo. Mamamatay kang hindi pa namumukadkad ang iyong mga talulot."

"Mananatili lang ba akong nakakulong dito? Kailan pa ba ako matututong masaktan at mabuhay?"

Hindi na niya sinagot ang aking mga tanong. Bigla niya ako pinitas na waring di napapansin ang mga sugat na iniwan ng aking mga tinik.

At heto ako ngayon, kagat-kagat ng kanyang nguso, matulin na naglalakbay sa katahimikan ng gabi.

* * *

/Sakit.
/Gutom.
/Paghihirap.
/Takot.
/Lungkot./

Basa ang mga dahon ko. Ayaw tumigil ng aking mga luha. Hindi ko makakayanan ang pait na nararamdaman ko ngayon kung hindi ko kasama si Lobo. Pinapanood lang niya ako.

"Hindi ko pa napapakita sa iyo ang lahat," ang bulong niya. Punung-puno ng pag-unawa ang kanyang mga mata. Pinulot niya ako mula sa bato kung saan niya ako binaba kanina, at muling tinangay ng hangin ang kanyang mga paa.

Tumigil kami sa tabi ng isang lawa. Dahan-dahan siyang bumaba at tinapat ako kung saan ko makikita nang mabuti ang aking kabilang sarili sa tubig.

"Nakikita mo ba ang iyong kulay? Ikaw pa lang ang nakikita kong rosas na bughaw.

"Totoo ngang buhay ang kapangitan at kasamaan sa mundong ito. Dito mo rin matatagpuan ang tunay na kagandahan. Sa buhay na ito, hindi mo mapaghihiwalay ang kagandahan at kapangitan. Ngunit maaari nating subukang paamuin ang kalungkutan...isa iyan sa mga dahilan kung bakit tayo nabubuhay."

Naintindihan ko na rin.

/At malayung-malayo sa kanyang tahanan, lubos na namukadkad ang rosas na bughaw./

The Wolf's Travels

*Pinto*

Nalalapit ang dapit-hapon. Kasabay kong nagpupugay ang araw sa kawalan. Patapos na naman ang isang yugto sa aking panahon.

Habang ang dilim ay lumalapag sa kanluran, sabay naman kaming tumatangis ng mga ulap. Dinadamayan ako ng ulan sa pagluha, sa pighating dinaramdam para sa paglisan ng poong liwanag.

Ganoon din ang nadarama ko para sa aking mga kaibigan. Sadyang mahirap maunawaan kung bakit kailangan pang magkahiwa-hiwalay.... Ngunit hindi ko kayang dalumatin ang dahilan.

Ah, dumulas na sa aking kamalayan ang araw. Magtatakip-silim na pala. Ang langit ay pinag-aagawan na ng liwanag at dilim. Nararamdaman ko ang dahan-dahang pag-anod sa akin ng aking panaginip.

Mula sa dapit-hapon patungong takip-silim....

Mula sa takip-silim patungong gabi....

Tumutubo ang aking panaginip na lumalago sa lalim ng gabi....

Panaginip....

Sa kaibuturan ng aking pagkatao'y nagdidigma ang dalawa ng aking diwa. Habang nahihimlay ang pagod kong katawan, ang dalawang magkasalungat na panig sa aking isipa'y nagtutunggali. Pinagtutunggalian nila kung dapat bang buksan ang pintong nagdudulot sa kinabukasan.

Oo nga naman....

Bakit hindi pahintulutang manatili ang gabi? Bakit hindi patagalin ang hibla ng panahon na siyang daluyan ng mga panaginip?... ng daigdig na kung saa'y pili mo ang iyong makikita , maririnig at madarama?... ng isang mahiwagang lansangan na kung saa'y ikaw ang sinusundan ng daanan? Bakit gugustuhin nating mahirapan sa pagtahak sa landas na dikta ng katotohanan?

Lahat ng ganitong uri ng katanungan ay umiikot at nagliliwaliw, na para bang isang masalimuot na palaisipan na lalong gumugulo sa aking buhay....

Ngunit napag-ukulan ko rin ng pansin ang aking kunsensya. Nababatid kong hindi ko kayang talikuran ang bukas at maging isang taong walang pakialam, dahil kailangan kong makibahagi sa katotohanan, sa lahat ng uri ng katotohanan.... Pagka't hindi ako nakalilikha ng ikabubuhay na nagmumula sa wala.

Ang hirap magpasya! Alinman ang mamayani... ang panig na gustong magbukas ng pinto o ang tumututol man.... Kinakailangan ko pa ring mag-alay ng isang kapat ng kalayaang taglay ko.

Isa lang ang maaaring masunod. Mabuksan kaya ang pinto? Matanggap ko pa kaya ang umagang pasalubong ng bukang-liwayway? Nahihirapan akong magpasya.... Bahala na.



*Sulo*

Madilim na nang ako'y makarating sa aming dampa. Kakaunti na lamang ang kandila sa aparador... mabuti na lang at maraming salamin... SALAMIN...

Tuwing napapasyal ang aking paningin sa isang salamin ay natitigilan ako. Pagkat naaalala ko ang sinabi sa akin ng kasintahan kong si Rosas.

Naaalala ko ang lahat ng bilin niya sa akin bago siya lumisan. Sa lahat ng iyon, isa ang walang pagod na naglalaro sa aking isipan...at iyon ay ang bilin niya na huwag ko raw sanang isasabay sa paglubog ng araw ang pagpanaw ng aking pag-asa... ng sarili kong liwanag. Huwag daw kahit hindi tiyak kung makababalik pa siya. Nang una'y nahirapan akong isipin kung papaano ko iyon gagawin. Sapagkat sa tagal ng aming pagsasama'y palagi ko nang pinaniwalaang siya lang ang tangi kong liwanag. Inisip kong siya lamang ang makapagpapabangon sa akin mula sa napapanglaw kong mundo...

...Mula sa buhay ko bilang isang mersenaryo na kung saa'y pumapaslang ako ng mga taong "nagkakasala" sa sakim kong amo. Hindi ko rin naman ginusto ang mabuhay ng ganoon. Hindi ko gustong maging bayarang mang-uutas ng buhay. Nagbago lamang ang direksyon ng buhay ko nang ako'y mapuruhan sa isang pagtakas at mailigtas ng isang babaeng nagngangalang Rosas.

Magmula ng tumira ako sa tahanan niya'y nadama ko ang sarap ng buhay na hindi sapilitan. Mas masarap palang magsaka dahil mas mararamdaman mo kung gaano ka kapayak...masarap ipagdiwang ang pagiging karaniwan...di nagtagal ay naging magkasintahan kami ni Rosas. Walang isang araw na di ko siya niyakap. Walang isang gabi na di namin pinanood nang sabay ang mga bituin habang kami'y magkahawak-kamay.

Matagal-tagal ko rin siyang nakasama ngunit isang araw, sa di mapipigilang dahila'y kinailangan niyang lumisan. Paano na kung muli akong mapasabak sa gulo?

Ang sabi niya sa akin, kaya ko raw ito. Pero saan naman ako kukuha ng liwanag?... Sa sarili ko raw. Tsaka ko lamang naintindihan nang maalala ko ang kuwento ng lolo ko tungkol sa butil ng liwanag na nakapagpaliyab sana ng sulo kung di sumuko sa dilim...

Madilim ang aking mundo. At ako ang butil ng liwanag. Kung susuko ako, maghahari ang dilim...

Paliliyabin ko ang sulo. Paliliyabin ko nang matindi upang kahit sa malayo ay maiparating ko kay Rosas na NATUPAD KO ANG HULI NIYANG TAGUBILIN.