|

Home Page
A is for Anj
Daydream Illusion
Sentihan
Freefall
Tales
Randomness
Makiling Dayz
Pulang Lobo
Surreality
|  |
| About Me
|
The Guardian Angel
I am Angela, a college freshie, majoring in music. Sa totoo lang, hindi ko masyadong pinapabasa sa iba ang mga sinusulat ko, pero art is meant to be shared, di ba? ^_^ At isa pa, ginawa ko ang site na ito para sa pagpapakilala ko sa inyo sa pamamagitan ng aking mga sulatin. Lalo na't marami akong kaibigan sa kabilang dako ng mundo...
In this site, there are also works by my best friend, JB. All the CGs and drawings are his. Di ako marunong mag-photoshop o magdrawing nang ganyan. Galing niya, ano? (Heheheh. Gaya ng lagi kong sinasabi sa iyo, JB, ang tungkulin ng isang best friend ay ipagmalaki ang kanyang pinakamatalik na kaibigan ^_^)
If you have something to say, E-mail me! Comments and suggestions are welcome, but flames will be used for inihaw (which I badly miss). Heheh.
|
 |
|
Why Kanlungan?
Actually, "Kanlungan" is a song by Buklod. (Go, Noel Cabangon!) There's no exact direct translation in English, but it sort of means "shelter" or "haven", implying a secluded area...a nature term really. Think lots of trees, plants, and flowers.
Kanlungan
Pana-panahon ang pagkakataon Maibabalik ba ang kahapon?
Natatandaan mo pa ba Noong tayong dalawa'y unang nagkita
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayo nagsimula
Mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malaya tulad mg mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman
Ay kabiyak ng ating gunita
Sa paglipas ng panahon
Bakit kailangan ding lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
Ngayong ikaw ay nagbalik
At tulad ko rin ang iyong pananabik
Makita ang dating kanlungan
Tahanan ng ating tula at pangarap
Ngayon ay naglaho na
Saan hahanapin pa?
Lumilipas ang panahon
Kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman
Bakit kailangang lumisan?
Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?
|
|